Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/22

Tagalog News: 150 mag-aaral sa Ilocos Sur, nabigyan ng scholarship sa ilalim ng PGMA-TWS

ni Carlo P. Canares

VIGAN CITY (22 November) -- Isang daan at limampung (150) mag-aaral mula sa Ilocos Sur Community College (ISCC) ang nabigyan ng scholarship certificates ni Gobernador Luis Chavit Singson at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng PGMA-Training for Work Scholarship. Ang mga mag-aaral ay nasa una at pangalawang taon sa kolehiyo sa ilalim ng ladderized program sa mga kursong Hotel and Restaurant Management (HRM), Tourism at Information Technology.

Iniabot ang mga scholarship certificates kasabay sa Technological, Vocational Education Scholars (TVET) Day sa Baluarte, Vigan City. Naibigay din ang allowance ng 98 Private Education Students Fund Assistance (PESFA) scholars mula sa Tagudin Institute of Science & Technology, Divine Word College, Data Center Vigan, Cabugao Institute, Macro Computer College at Airtop Candon.

Ipinaalala ni TESDA Regional Director Washington Agustin sa mga mag-aaral na dapat pahalagahan nila ang nasabing scholarship sapagkat hindi lahat ay nakakakuha nito. Ibinibigay lamang ito sa mga karapat-dapat na nais mag-aral sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay.

Binati naman ni Gobernador Singson na siya ding founder ng ISCC ang administrasyon ng nasabing kolehiyo na pinamumunuan ni Dr. Carmencita Reyes-Paz sa nagawa nila sa pagpapatakbo nito. Ang ISCC ang kauna-unahang educational institution sa buong bansa na nagkaroon ng ladderized program sa kursong HRM, Tourism at Information Technology. Ang mga kursong ito, ayon pa kay Singson, ay nababagay sa probinsiya sapagkat maraming turista ang nagpupunta dito. Bukod doon, dagdag pa ng gobernador, ay in-demand ang mga kurso ayon sa isang survey noong taong 2000.

Mayroon 38,000 posisyon sa buong Pilipinas ang handang ibigay ng PGMA-TWSP, kung kayat umaasa ng TESDA na magkaroon din ng ladderized program ang University of Northern Philippines sa Vigan City, at ang Ilocos Sur Polytechnic State College sa bayan ng Sta. Maria upang makakuha ang mga mag-aaral ng nasabing scholarship.

Sa kasalukuyan, naglabas ang Regional Development Council ng isang resolusyon na nag-uutos sa mga nasabing state colleges at universities na baguhin ang kanilang curriculum upang maging ladderized na din ang mga kurso sa kanilang kolehiyo. (PIA-Ilocos Sur) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: PeaceTech 5 unites Filipino youth
»BIR urges taxpayers to avail of IVAP and be exempted from auditing
»Courtesy, discipline imposed on PNP members
»Better environment plan seen as key to DavNor flood mitigation
»Two reds surrender in Comval, says AFP
»Komentaryo: Iniimbestiga si Ingrid Ramos
»P2.9-M savings seen from breastfeeding
»Cebu supports PGMA's anti-poverty programs
»PNP, DPWH assure safety of Lanuza surf enthusiasts
»Feature: Surigao barangay folk rave over town's info quiz
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines