Tagalog News: Bangko Sentral tinatayang aabot sa $24-B ang forex reserves sa 2007
Koronadal, South Cotabato (29 November) -- Ayon kay Governor Amando Tetangco ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tinatayang tataas sa 24-billion dollar ang foreign exchange ng Pilipinas sa taong 2007, bunsod diumano ng malakas na pagpasok ng mga remittances na nagmula sa mga kababayan nating mga Pilipino na nagtatrabaho sa abroad.
Inaasahan din ng BSP na makaka-abot ang ating bansa sa record na 14 billion dollar remittances sa susunod na taon.
Sa loob ng unang siyam na buwan sa taong kasalukuyan umaabot na sa 9.11 billion dollar ang remittances ng mga OFW at inaasahang tataas pa ito sa 11.9 billion dollar bago matapos ang taon.
Tataas naman sa record na 22.27 billion dollar ang gross international reserves sa katapusan ng taong ito. (CGI/PIA 12) [top]