Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 April 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2020 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/12/20

Komentaryo: Marami pa rin ang may sakit na TB

by Rose B. Palacio

Davao City (20 December) -- Marami pa ring Pinoy ang may sakit na tuberculosis sa kabila ng malawakang kampanyang ginagawa ng gobyerno upang lubusan itong mawala.

Sinabi ni Dr. Eloisa Lynn Segura, regional coordinator ng National TB prevention and control program na sa kabila ng Directly Observed Treatment System (DOTS), isang programang ipinatutupad ng DOH para lubusang gumaling ang pasyenteng may sakit na TB, hindi pa rin lubos na gumagaling ang pasyente dahil sa di pagsunod sa pag-inum ng gamot.

Kadalasan kasi sa TB patients, kapag nararamdaman nila na medyo mahusay na ang kanilang pangangatawan, di na nila inaalintana ang pag-inum ng gamot sa tamang oras, aniya.

Kaya nga may partner ang TB patient sa implementasyon ng DOTS upang matiyak na talagang naiinum ng pasyente ang gamot sa tamang oras. Gayunpaman, may katigasan magkaminsan ang pasyente at ang TB patient pa rin ang nasusunod sa pag-iwas sa gamot na dapat niyang inumin, ani Dr. Segura.

Kinakailangan pa rin ang malawakang kampanya upang laging maintindihan ng publiko ang kahalagahan ng pag-iwas sa sakit na ito at ang mga tamang pamamaraan upang gumaling ng lubusan ang TB patient, aniya.


Ipinagbabawal ang pagdala ng baril

Mahigpit na ipinatutupad ng gobyerno ang pagbabawal sa pagdala ng armas. Paulit-ulit na sinasabi ng Philippine National Police ang restrictions na ito.

Subali't mayroon pa ring nahuhuli sa mga check points na may nagdadala ng mga armas na walang lisensiya.

Sinabi ni PNP City Director Catalino Cuy na malawakan ang ginagawa nilang kampanya laban sa pagbabawal sa pagdala ng armas. Ang mahuhuli ay nararapat lamang na parusahan, aniya.

Binigyan din ng babala ni Col Cuy na ang sinumang mahuhuli din na nagbebenta ng ipinagbabawal na paputok o rebentador ay papatawan din ng parusa. Mahigpit na ipinatutupad ni Mayor Rodrigo R. Duterte ang pagbabawal sa pagbebenta ng paputok o rebentador at alinmang kasamang paputok na ginagamit sa Bagong Taon upang maiwasan ang alinmang sakuna na maaaring maganap, ani Cuy. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao hits functional literacy rate of 77.8%
»Davao CAT to fight TB
»Pag-IBIG Fund expects to hit P9-B this year
»Mango growers project much better year in 2007
»GTZ conducts "Sports for Peace - Mindanao"
»Komentaryo: Marami pa rin ang may sakit na TB
»Water consumers brace for increased rate by New Year
»Waray Waray among this year's TOYM awardees
»Food-for-School program delivery in Samar reaches 91.66%
»DepEd to train teachers as school managers
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines