Tagalog News: Bio-N mixing plant itinayo sa Datu Abdullah Sangki
Koronadal, South Cotabato (1 March) -- Pormal na isinalin kamakailan ng Department of Agriculture & Fisheries (DFA) sa tulong ng Bureau of Soils & Water Management (BSWM) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pamahalaang lokal ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao ang mga dokumento kaugnay ng operationalization ng Bio-N Maxing plant sa naturang bayan.
Ang Bio-N ay organic fertilizer na binuo ng UP Los Baņos na may kakayahang palitan hanggang 30-50% ang kabuuang nitrogen requirement ng tanim na palay at mais. Sa pamamagitan ng Bio-N, nagiging resistant ang palay at mais laban sa tagtuyot at mga peste para mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka.
Ayon sa DFA-ARMM secretary Sajid Druz Ali, maabot sa P450,000 ang inilaang pondo ng Department of Agriculture (DA) para sa pagtatayo ng BIO-N maxing plant, kasama ang laboratory facilities/equipment, chemicals at training ng tauhan DA at chairman ng Tamaka Multi-Purpose Cooperative na siyang mangangasiwa ng naturang planta. Ang gusali na nagkakahalaga ng P150,000 ay siyang counterpart ng cooperative. (pbc/PIA 12) [top]