Komentaryo: Observers, pinapayagang pumasok sa NPO
by Rose B. Palacio
Davao City (13 March) -- Sinabi ni Presidential spokesman and Press Secretary Ignacio Bunye na pinapayagan ang mga observers na pumasok sa loob ng National Printing Office (NPO) upang magmasid kung mayroon bang anomalyang ginagawa ang tanggapan upang makapandaraya sa darating na halalan.
Upang maiwasan ang alinmang alinlangan at haka-haka na gagamitin ng gobyerno ang NPO sa pandaraya sa nalalapit na halalan, sinabi ni Press Secretary Bunye na maaaring pumasok ang observers ng duly-accredited political parties upang matiyak sa kanilang sarili kung ano ang nangyayari o ginagawa ng NPO at maiwasan ang kanilang mga pag-aalinlangan.
Ang NPO ay mahigpit na isinaloob ng pamahalaan sa ilalim ng superbisyon ng Commission on Elections. Inaanyayahan ang mga duly-accredited political parties na magpadala ng kanilang mga authorized observers para mamonitor ang operations ng NPO.
Fitch International rating, positibo sa ekonomiya ng bansa
Positibo ang outlook na ibinigay ng Fitch International ratings sa ekonomiya ng Pilipinas at ito ay pinuri ni Pangulong Arroyo. Pinuri din ng Pangulo ang pagtaas at mahusay na koleksyon ng buwis na nagbigay ng kontribusyon sa magandang ekonomiya ng bansa.
Inaasahan din na lalong makapagbibigay ng democratic stability ang nalalapit na halalan sabay panawagan ni Pangulong Arroyo sa sambayang Pilipino na suportahan ang "8 by 08" na agenda na lalong magpapahusay sa pag-unlad ng Pilipinas.
Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na focus ang atensiyon ni Pangulong Arroyo saw along bagay na nais makamit ng kanyang Administrasyon sa susunod na taon. Ito'y ang employment or jobs creation, cost of living improvement, paglakas ng Piso, pagtaas ng investments, pro-poor education, health care/pabahay/ending hunger, green Philippines, at ang huli ay ang isang malakas na anti-terror campaign. (PIA) [top]