Tagalog News: Palasyo tutulungan ang Comelec na resolbahin ang mga isyung kumakalat
Manila (13 March) -- Tulad ng sino man, mabilisan, puspusan at hayagang pagsisiyasat rin ang ginagawa ng Palasyo sa nangyaring sunog sa COMELEC.
Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesperson Ignacio Bunye, hindi umano dapat kaagad mamayani ang mga intriga, haka-haka at black propaganda hinggil sa nangyaring sunog at sa isyung pagkopya ng balota sa National Printing Office.
Kaugnay nito, ipagpapatuloy umano ng Executive branch ang pagtulong sa COMELEC sa pakikipagbaka sa anumang uri ng isyu at sa mga pagtatangkang paninira sa eleksyon dahil mahalaga umano sa pambansang kapakanan ang integridad at kredibilidad ng eleksyon. Sa pagtitiyak na rin umano na maipatupad ang isang malinis, matapat at mapayapang halalan sa darating na Mayo. (CGI/PIA 12) [top]