Tagalog News: Pilipinas pinili bilang host ng ASEAN wide 50-event series
Manila (19 March) -- Ikinagalak ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagkakapili sa bansang Pilipinas bilang kauna-unahang bansa na magiging punong-abala sa gaganaping ASEAN wide 50-event series sa Nobyembre ngayong taon hanggang Abril sa susunod na taon.
Ipinabatid naman ng International Peace Foundation (IPF) ang pakikiisa sa nasabing event na naglalayong mapaunlad ang ASEAN region.
Kaugnay nito, ang bawat Nobel Laureate, na tumataguyod sa nasabing foundation ay magkakaroon ng Island visit sa Luizon, Visayas at Mindanao kung saan magsasagawa sila ng public lectures, seminars, workshops at pakikipagtalastasan kasama ang Asian Institute of Management, University of Sto. Tomas, Department of Science and Technology, Department of Foreign Affairs at iba pang institusyon.
Magiging paksa naman sa mga tatalakayin ang isyu sa pulitika, ekonomiya, science, culture at magiging highlight naman ang hamon ng globalisasyon at regionalism at ang kanyang magiging impact sa kaunlaran at international cooperation. (ajph/PIA 12) [top]