Cebuano News: DOLE mohatag libreng review alang sa June 2006 nursing board exam passers
By Ailene N. Diaz
Manila (20 March) -- Ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Association of Deans of Philippine Colleges of Nursing ay nagkaisa na magbigay ng libreng isang-linggong special review sessions sa kahit sino sa 17,000 na nakapasa ng June 2006 nursing board na gustong kumuha ng test 3 at 5.
Ang partial retake ay iminungkahi ng United States' Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools (CGFNS) matapos magdesisyon na hindi bibigyan ng VisaScreen certificates ang lahat na nakapasa sa nasabing controbersyal na June 2006 nursing licensure exam.
Si Labor Secretary Arturo Brion at ADPCN President Carmelita Divinagracia ay lumagda ng kasunduan at idinetalye ang probisyon sa 64 ka oras na review classes (40 oras para sa test 3 o medical nursing at 24 oras para sa test 5 o psychiatric nursing) para sa lahat ng may hangaring kumuha ng pagsusulit kasabay sa regular na nursing board licensure exam sa Hunyo at Desyembre ngayong taon.
Ang kasunduan ay nagsasabing ang DOLE ang magbabayad ng halaga ng review na P1,200 kada isang enrollee na babayaran direkta sa kasaping paaralan.
Ang registrants ay bibigyan ng tatlong alternatibo na pagpipiliang paaralan at schedule. Ang talaan ng review classes bawat paaralan ay ipapahayag ng DOLE at ito'y makikita online sa www.specialnursingreview.dole.gov.ph, ito ang nakasaad sa kasulatan.
Sinabi din ni Brion na ang gobyerno na mismo ang magbabayad ng eksaminasyon. (PIA- Northern Samar) [top]