Tagalog News: Mga reporma sa ekonomiya nagresulta ng pagbaba ng utang ng bansa
Manila (28 March) -- Ang sumusulong na ekonomiya ng bansa na tinatamasa sa ngayon ng bansa ay bunga ng mga mahahalagang mga reporma na ipinatutupad ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa loob ng anim na taon ng kanyang panunungkulan.
Kabilang sa mga repormang ito ang Expanded Value Added Tax (EVAT) Law mula 10% ay naging 12% at ang National Attrition Law kung saan nagtutulak sa mga revenue generating agencies na abutin ang kanilang collection targets at iwasang magkaroon ng penalties.
Ang mga nasabing reporma ay nagresulta ng malakas na peso, pagbaba ng budget deficit at public debt at mga karagdagang puhunan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ignacio Bunye, ipinagmamalaki ng pangulo ang naabot na ito ng bansa na nakapagtala ng 24 continues quarters ng GDP o gross domestic product.
Base sa pinkahuling ulat, nakaabot ang administrasyong Arroyo ng average GDP growth rate na 4.37%, pinakamataas sa nakaraang apat na administrasyon. (anp/PIA 12) [top]