Tagalog News: Pangulong Arroyo binisita ang pinakamalaking barangay ng Sampaloc
Manila (28 March) -- Binisita ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Barangay 420, ang pinakamalaking barangay ng Sampaloc sa Manila upang maseguro na ang lahat ng mga pangunahing serbisyo ay natatanggap ng mga mahihirap na komunidad.
Bilang bahagi ng PGMA Training for Work Scholarship Project ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ay namigay din si Pangulong Arroyo ng mga scholarship certificate sa mga out-0f-school youths.
Pinagkalooban din ni Pangulong Arroyo si Hones Bautista ng certificate to operate a “Tindahan Natin” na naglalayong bawasan ang ang presyo ng mga basic commodities na ibinibenta.
Ipinangako naman ni Pangulong Arroyo sa mga barangay officials ang pagsisikap ng pamahalaan sa pakikiisa ng pamahalaang lokal ng Maynila ang pagbibigay pansin sa mga pangunahing problema sa bansa lalo na ang mga mahihirap na komunidad . (ajph/PIA 12) [top]