Tagalog News: PGMA pinahalagahan ang karapatan ng kababaihan na bumoto
By Ailene N. Diaz
Manila (3 May) -- Pinahalagahan kamakailan ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo ang karapatan ng kababaihan na bumoto, na nagsimula pitumpo't taon na ang nakakalipas. Ang karapatang ito ay maaaring binabale-wala na sa ngayon pero ang pagbibigay ng nasabing karapatan ay napakahalagang pangyayari na dapat pahalagahan, pasalamatan at pagnilay-nilayan.
Sinabi ng Pangulo na mula ng makamit ang karapatang bumoto, ang mga kababaihan sa ating bansa ay marami nang mahahalaga at kahanga-hangang mga ginawa at sila rin ay nagsilbing isang pwersa na mahirap talunin sa larangan ng politika, negosyo, at pangkahalatang sektor ng lipunan.
Ang kababaihan ay ang tagapagpasiya sa lahat ng aspeto ng ating buhay, at humahawak din ng mga nakahili-hiling posisyon kung ikukumpara sa ating mga kapatid na kababaihan sa iba't ibang parte ng mundo, pagtatapos na pahayag ng Pangulo. (PIA-Northern Samar) [top]