Tagalog News: MILF umalma sa naitalang ulat
Koronadal, South Cotabato (4 May) -- Minasama ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang naitalang ulat na nagsasabing nais nilang masakop ang buong lalawigan ng Sultan Kudarat bilang bahagi ng panukalang "expanded Autonomous Region in Muslim Mindanao."
Ayon kay MILF peace panel secretariat head Jun Mantawil, sila ay nagtataka kung bakit lumabas sa April 26, 2007 issue ng Philippine Star ang nasabing ulat samntalang hindi pa nagpulong muli ang GRP-MILF peace panels.
"This is ridiculous for action of a partner in peace process" ayon kay Mantawil.
Ipinaliwanag ni Mantawil, ang 613 Moro-dominated barangays sa Mindanao ay "initial offer" ng gobyerno sa MILF noong April 20, 2005 7th round ng GRP-MILF exploratory talks sa Malaysia, at hindi "demand" ng MILF.
Ayon sa ulat, mayroong tatlong "hawkish" cabinet officials sa Arroyo Administration kabilang si DILG Secretary Rolando Puno na tinaguriang hardcore Opus Dei member at obsessively pro-business. (pbc/PIA 12) [top]