Komentaryo: Bagong investments sa agrikultura, inihayag
by Rose B. Palacio
Davao City (5 May) -- Plano ng Department of Agriculture na lumikha ng mga bagong investments sa agricultura upang lalong madagdagan ang job generation na hinahangad ng administrasyon.
Sinabi ni Agriculture Secrertary Arthur Yap na gagamitin ng pamahalaan ang mga idle lands o mga lupang hindi ginagamit sa buong bansa upang matugunan ang food security program ng pamahalaan.
Ang proseso ay lilikha din ng industrial economic zones at information technology parks. Sa ganitong paraan ay inaasahan ang maraming investments ang papasok sa ating bansa at mapapalakas ang agri-investments na programa ng departamento, ani Secretary Yap.
Malalaking agri hubs ang isasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng tinaguriang large scale production at manufacturing na sa kalaunan ay makakabenepisyo sa mga magsasaka sa buong bansa, aniya.
Panawagan sa publiko, maging vigilant laban sa pandaraya
Nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa taongbayan na makipagtulungan sa hangarin ng administrasyon na magkaroon ng isang tunay at credible na halalan sa nalalapit na halalan sa Mayo 14.
Sinabi ni Comelec Chairman Benjamin Abalos na makipag-ugnay ang taongbayan sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting na nangangailangan ng karagdagang poll watchers.
Kung makikipagtulungan ang mamamayan upang magkaroon ng honest election, mawawala ang kanilang pagdududa laban sa gobyerno na ang tanging hangarin ay magkaroon ng isang honest at mapayapang halalan.
Ang pagiging vigilant ng taongbayan ang pinakamabisang elemento upang mapawi sa isipan ng mga tao na may pakanang pandaraya ang pamahalaan sa nalalapit na halalan. Mahalaga ang personal na intervention o pakikialam ng taongbayan upang alamin ang nagaganap sa araw ng halalan lalo na sa mga aras ng bilangan ng mga boto, ani Abalos. (PIA) [top]