Tagalog News: PGMA nananawagan ng isang demokratiko at mapayapang halalan
Manila (7 May) -- Nananawagan si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa lahat ng mga Pilipino na gamitin ang karapatan sa pagboto at seguruhing matagumpay ang May 14 elections ng sa gayon makamtan ng bansa ang tunay na niloloob ng bawat mamamayan.
Ani Pangulong Arroyo binibigyang diin ng pamahalaan ang pagsisikap nito na maprotektahan ang mga tumatakbong kandidato lalu na ang mga balota, kung kaya nananawagan din si Pangulong Arroyo ng pakikiisa ng bawat isa upang maiwaksi ang anumang karahasan sa gaganaping halalan sa susunod na linggo.
Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio R. Bunye, ikinagagalak din ng pamahalaan ang pagpapadala sa bansa ng mga foreign poll observers kung saan magiging hamon umano ito sa bawat Pilipino na magkaroon ng isang honest, orderly and peaceful elections. (ajph/PIA 12) [top]