Tagalog News: Pamahalaan sinisiguro ang kaligtasan ng mga OFW sa Nigeria
Manila (7 May) -- Ang pamahalaan ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa bansang Nigeria para sa kaligtasan ng walong OFW’s na dinukot sa nasabing bansa.
Ang Department of Foreign Affairs (DFA) naman ay nakikipag-ugnayan din sa mga officials ng Daewoo Engineering and Construction, isang Southern Korean firm na siyang pinagtratrabahoan ng mga biktima.
Ayon sa ulat, pinasok ng mga armadong kalalakihan ang Daewoo campsite na malapit sa Port Hartcourt noong Huwebes ng umaga at dinukot ang walong Pilipino kasama ng tatlong Koreano.
Ang Philippine Embassy ay dinala ang natitirang 45 Filipino workers sa isang hotel matapos magsara ang Daewoo campsite at kasalukuyang pinoproseso ang kanilang mga papelis upang makabalik dito sa ating bansa.
Ayon naman kay Foreign Affairs Undersecretary Estiban Conejos, kinakailangan nilang ibalik ang mga manggagawang Pilipino sa bansang Nigeria dito sa Pilipinas para sa kaligtasan ng mga ito. Ipinayo niya sa mga Pilipino doon na makipag-ugnayan sa mga embassy officials sa lalong madaling panahon. (Lgt/PIA 12) [top]