Tagalog News: Suspension order laban kay Binay walang kaugnayan sa politika
Manila (8 May) -- Inihayag ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na ang suspension order laban kay Makati Mayor Jejomar Binay ay walang kaugnayan sa politika.
Aniya, malakas na ebedinsya at hindi politika ang dahilan ng kanilang pagsuspende kay Binay dahil ang Office of the Ombudsman ay isang independent institution.
Ayon naman kay dating Makati City Councilor Oscar Ibay, nakita sa listahan ng Government Service Insurance System (GSIS) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na ang ibang mga empleyadong hindi na nagtatrabaho mula ng taong 2003 ay naroon pa rin sa listahan ng mga empleyado ng GSIS at BIR sa taong 2004 at 2005.
Dagdag pa niya na ang mga empleyadong ito ay tumatanggap parin ng kanilang sahod mula sa city government ng Makati City kahit hindi na sila nagtatrabaho bilang empleyado ng gobyerno.
Nilinaw rin ni Gutierrez na ang kanilang preventive suspension order ay hindi na nangangailangan ng clearance mula sa Commission on Elections (Comelec) base na rin sa Republic Act 3019 or Anti-Graft Law. (Abb/PIA 12) [top]