Tagalog News: Piso pumalo sa P47.21 sa loob ng anim na taon
Manila (8 May) -- Nagsara ang palitan ng piso kontra dolyar sa P47.21 kahapon (May 7, 2007) pinamalakas na sa loob ng anim na taon.
Kahapon nagbukas ang palitan sa P47.41 at umasa na magsasara sa pagitan ng P47.430 at P47.345.
Umabot naman sa $ 682.230 million ang total volume ng mga transactions kahapon May 7,2007.
Ayon sa mga traders malaking dahilan pa rin sa paglakas ng piso kontra dolyar ang mataas at matatag na remittances ng mga overseas Filipino workers (OFWs) habang nag-uumpisa na ang enrollment sa paaralan at naghahanda na ang mga mag-aaral sa pasukan sa Hunyo. (ajph/PIA 12) [top]