Tagalog News: Mayor pinaiimbestigahan ang pinakahuling pambobomba sa Tacurong City
by Aida C. Agad
Koronadal City (9 May) -- Ipinag-utos na ni Tacurong City re-electionist mayor Lino O. Montilla ang pinakahuling kaso ng pambobomba kahapon ng hapon sa lungsod na naging sanhi ng pagkamatay ng tatlo at pagkasugat ng tatlumpung iba pa.
Inihayag ni Montilla na mayroon ng “lead” ang mga awtoridad sa mga identity ng mga perpetrators, habang ipinag-utos na rin niya umano sa mga kapulisan ang maagang pagtukoy at pagkilala sa mga ito upang mapatawan ng karampatang kaparusahan dahil sa krimeng naging banta sa peace and order ng lungsod ng Tacurong.
Ayon kay Montilla, napaka-premature pang sabihin na election-related ang nasabing pambobomba, habang kasalukuyan pang ginagawa ang mga kinauukulan ang masusing imbestigasyon.
Ang bomba ay napag-alamang isang improvised bomb na ginamitan ng shrapnel at mga putol na pako, ulat ni Montilla.
Nanawagan din si Montilla sa lahat ng mamamayan ng Tacurong na maging vigilant at mapagmasid sa kanilang kapaligiran upang maiwasan ang karahasan sa lungsod lalo nat nalalapit na ang araw ng Halalan. (PIA 12) [top]