Komentaryo: Tunay na demokrasya sa Pilipinas
by Rose B. Palacio
Davao City (17 May) -- Pinuri ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang matagumpay na pagganap ng midterm elections noong Mayo 14 sabay sabi na "tunay na demokrasya ang umiiral sa ating bansa."
"Democracy is at work in the Philippines" ayon kay Pangulong Arroyo at kanyang pinasasalamatan ang mga institutions, lahat ng mga tumulong upang maging mapayapa at orderly ang naganap na halalan.
Pinuri din ni Presidente ang mga guro sa pampublikong paaralan sa kanilang dedikasyon at pagtupad sa kanilang mga tungkulin sa naganap na midterm elections.
Maliban sa mga pasasalamat ni Pangulong Arroyo, sinabi niya na kailangan din tayong magpasalamat sa Poong Maykapal sa mga ibinigay NIYANG blessings sa ating bansa kabilang na ang gumagandang ekonomiya at pagpapalakas ng political system sa ating bansa.
Panawagan ng Malakanyang: Magkaisa tayong lahat
Nanawagan ang Malakanyang sa lahat, lalo na sa oposisyon na makiisa sa pamahalaan at kalimutan na ang alinmang hidwaan.
Ayon kay Presidential Adviser on Political Affairs Gabriel Claudio, sinsero ang panawagan ng Malakanyang na magkaroon tayo ng iisang layunin upang lalong mapaganda an gating ekonomiya at mapalakas ang political system ng bansa.
Mahalaga ang pagkakaisa ng lahat sapagka't ito lamang ang paraan upang magkatuwang nating ipatupad ang ating layunin lalo na ang pagtugon sa poverty alleviation program ng pamahalan at matulungan ang mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap, aniya. (PIA) [top]