Tagalog News: Lapus nananawagan ng pagkakaisa para sa Brigada Eskwela
Manila (17 May) -- Muling nananawagan si Department Education (DepEd) Secretary Jesli Lapus sa lahat ng mga stakeholders na makiisa sa gagawing National Schools Maintenance Week na gaganapin mula sa ika-21 hanggang ika-26 ng Mayo sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.
Ang schools maintenance week o mas kilala sa tawag "Brigada Eskwela" ay may layuning maisaayos at makumpuni ang ibang mga gamit pang eskwela sa paaralan upang magamit pang muli lalo na ng mga mag-aaral, habang nalalapit na naman ang pasukan sa Hunyo.
Hinihikayat din ng nasabing activity ang lahat ng mga mag-aaral, mga magulang, mga guro, ang local government units at kahit ang mga business groups na magkaisa na gawing malinis at gawing komportableng learning environment ang mga paaralan.
Binibigyang diin ni Lapus ang kahalagahan ng "Brigada Eskwela" upang maturuan din at maipakita sa mga mag-aaral ang tunay na pagkakaisa sa pamamagitan ng "bayanihan" at community involvement lalo na upang makamit ang isang adhikaing magbibigay benepisyo sa mga nangangailangan. (ajph/PIA 12) [top]