Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 26 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/05/18

Tagalog News: Palawig sa CARP program hiling ng magsasaka sa Laguna

Calauan, Laguna (18 May) -- Palawigin pa ang omprehensive Agrarian Reform Program o (CARP), ito ang pangunahing kahilingan na ipnaaabot sa mga kinauukulan sa ating pamahalaan ng mahigit limang daang (500) magsasaka na kumakatawan sa ibat-ibang samahan na nakabase sa ating lalawigan dahil umano sa nalalapit nitong pagtatapos sa June 10, 2008 bilang pretermination period ng programa.

Sa Farmers Forum na ginanap kamakailan sa bayang ito, sinabi ni Evangeline Mendoza, Pangulo ng Nagkakaisang Damdamin ng Magsasaka sa Laguna (NADAMANA) at opisyal ng Pambansang Ugnayan ng Nagsasariling Organisasyon sa Kanayunan (UNORKA) na kumakatawan ng ilang lalawigan sa 12 na rehiyon, ang Farmers Forum ay ginagawa ng sabay sa ilang lalawigan at gagawin din sa ibang lalawigan upang mapag-usapan at makakuha ng suporta para maresolba ang mga isyu sa mga magsasaka.

Ayon kay Mendoza marami pa ring problemang kinakaharap ng kanilang hanay tulad ng kawalan ng lupa, karagdagan serbisyo at mahusay na pamamahala kaya ganon na lamang ang kanilang kagustuhan na mapalawig pa ang programa sa CARP.

Bahagi sa nasabing forum ang covenant signing sa pagitan ng kanilang grupo at ng ilang opisyal na kumakandidato sa pagka kongresista na kanilang susuportahan at tutulong din ang mga ito na maresolba ang mga isyu sa mga magsasaka.

Nagtatag din ang mga magsasaka ng Alliance for Rural Concern (ARC) isang party list upang mapalakas ang kanilang sektor para sa pagtaguyod sa nasabing mga usapin.

Dumalo at nagbigay mensahe sina Gobernor Teresita Lazaro at Mayor Buenafrido Berris kung saan kapwa nagsabi na kanilang prioridad na isinusulong ang mga programa sa agrikultura sa ilalim ng poverty alleviation at food security. Kasama din sa nasabing forum ang mga opisyal ng Department of Agrarian Reform.

Kaugnay nito, namahagi ng katibayan ng pagmamay-ari ng lupa ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan sa 58 na ektarya sa mga benepisyaryo ng CARP sa barangay San Antonio ng Bay at Curva ng Calauan, Laguna. (PIA otiron) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Ombudsman holds free legal clinic, clearance services May 18
»DPWH steps up pace of Mindanao projects
»Davao region to get only 400 items for teachers - DepEd
»New group of US Peace Corps volunteers arrive in RP to focus on dev't programs
»Wanted: Loving families for homeless children
»Search launched for Outstanding Volunteers 2007
»Komentaryo: Magmagandang-loob tayo, manalo man o matalo - PGMA
»Prepare for La Niņa - PAGASA
»Biofuel a renewable resource, says DENR
»CFC holds Gawad Kalinga Kabuhayan Fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines