Komentaryo: 9-milyong bakanteng trabaho, subalit...
by Rose B. Palacio
Davao City (29 May) -- Inihayag ni Labor Secretary Arturo Brion na umaabot sa siyam na milyon ang job vacancies sa Pilipinas, subali’t ang pangunahing problema ditto ay hindi nagma-match o diskuwalipikado ang mga aplikante sa mga bakanteng trabahong ito.
Isa sa major concerns ng Arroyo administration na matugunan ang problema sa unemployment at sa ngayon ay isa ring malaking problema ang “unmatch” na qualifications na kailangan ng mga industriya.
Ang tinatawag na “hard-to-fill” jobs ay nasa mining, hotel and restoran, agri-business, maritime, shipbuilding, health at medical tourism, construction at cyber services.
Kamakailan lamang ay nagsagawa ng isang National human Resource conference ang Labor department upang gumawa ng stratehiya kung papano malutas ang “unmatch qualifications” ang mga naghahanap ng trabaho.
Focus ngayon ng DOLE ang edukasyon at pagsasanay at labor relations sa lugar ng trabaho.
Reporma ni PGMA, lalong pinalakas
Pagkatapos ng halalan na ginanap noong Mayo 14, lalong pinalakas ngayon ang implementasyon sa mga reporma ng Arroyo administration lalo na ang may kinalaman sa poverty reduction.
Sinabi ni Presidential spokesperson and Press Secretary Ignacio Bunye na kahit na panahon ng kampanya at halalan ay walang tigil si Pangulong Arroyo sa pagsagawa ng mga paraan upang umusad ang ating ekonomiya at matugunan ang suliranin ng mga mahihirap nating kababayan.
Umabot na sa P5-bilyon ang naipalabas ng DBM para sa programang pro-poor ni Pangulong Arroyo at ang order ni Presidente ay kaagad na iparamdam sa taongbayan, higit sa lahat sa mga mahihirap ang “gains of the economy” dala na rin sa sakripisyong ibinigay ng sambayanang Pilipino. (PIA) [top]