Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 26 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/05/31

Komentaryo: Anti-Hunger program, pinagtutulungan

by Rose B. Palacio

Davao City (31 May) -- Pinagtutulungan ngayon ng iba't-ibang ahensiya ng gobyerno ang hunger mitigation program ni Pangulong Arroyo sa hangaring malutas ang kahirapan sa bansa at maiangat ang kabuhayan ng mga mahihirap nating kabababayan.

Ayon kay NAPC Secretary Domingo Panganiban, inatasan ni Pangulong Arroyo ang National Anti-Poverty Commission upang lumikha ng isang task force na siyang mag-uugnay sa concerned government agencies upang maipatupad ang anti-hunger program ng administrasyon.

Ang mga ahensiyang ito ay tulad ng DPWH, DOLE, DSWD, DA, NFA, TESDA, city government o local government units (LGUs) at iba pang ahensiya na nagpapatupad sa programa laban sa kahirapan.

Maliwanag ang order ni Pangulong Arroyo, ani Secretary Panganiban. Nais ng Presidente na makipagtulungan ang mga government agencies ng buong laya, at walang tigil na pagbibigay ng serbisyo at paglilingkod sa taongbayan sa lahat ng pagkakataon at lahat ng panahon, aniya.


Elektrisidad sa distrito dos ng siyudad ng Davao

Sang-ayon kay reelectenist Davao City 2nd district representative Vincent Garcia, isa sa mga pangunahin niyang hangarin ay mabigyan ng sapat na elektrisidad ang buong distrito dos sa siyudad ng Davao, kabilang na din ang social and health services para sa kanyang mga kababayan, edukasyon at potable water supply.

Sa isang panayam, sinabi ni Congressman Garcia na patuloy ang scholarship program na kanyang ibinibigay sa mga kabataang walang sapat na panggastos para makapagpatuloy sa kolehiyo.

Bawat taon, umaabot sa 600 scholars ang nabibiyayaan sa programang ito. Ang interesadong estudyante na nais makapag-aral sa ilalim ng scholarship program ni Congressman Garcia ay kailangan lamang kumuha ng test o examination sa USP at magpatuloy sa kolehiyo kung kuwalipikado. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»GMA orders gov't agencies: Help wipe out hunger
»Search for outstanding country's volunteers on
»Mindanao cold-chain investments start operations in 2007
»Davao City promotes breastfeeding
»PAL sees better business prospects for Davao
»Komentaryo: Anti-Hunger program, pinagtutulungan
»TransCo posts 8.6% increase in power delivery service in 1st quarter
»Sarangani undertakes coastal cleanup on June 1
»Feature: PGMA lures more foreign investments
»Capiz sees no rise in prices of school supplies
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines