Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 26 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/05/31

Tagalog News: DENR nanawagan sa mga Sorsoganon upang maalis na ang red tide toxin sa Sorsogon Bay

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (31 May) -- Nanawagang muli si City Environment and Natural Resources Officer Ronanado Gerona sa mga Sorsoganon partikular sa mga mamamayan ng syudad na makipagtulungan sa mga kinauukulan ukol sa isinasagawang paglilinis sa kapaligiran at sundin ang ipinatutupad na Solid Waste Management Program dito.

Ito ay bunsod ng pinakahuling Shellfish Bulletin na ipinalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na positibo pa rin sa Red Tide contamination ang look ng Sorsogon hanggang sa kasalukuyan.

Matatandaang makailang ulit nang nagkaroon ng paglilinis ng Salog River dito sa syudad na ayon sa pag-aaral ay isa sa mga pangunahing tapunan ng domestic wastes ng mga residenteng malalapit dito.

Ayon pa kay Gerona, sa pamamagitan lamang ng pagtutulungan ng mga mamamayan magiging mas mabilis ang pagpapababa ng toxicity level ng Sorsogon Bay, kung kaya’t mahigpit ang kanyang panawagan sa pagpapanatili ng kalinisan at pagpapatupad ng Solid Waste Management Program.

Samantala, labis namang ikinalungkot ng mga shellfish farmers ang balita sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin sila makaaalis sa patuloy na paghihigpit nila ng sinturon dahilan sa labis na epekto sa kanilang pamumuhay ng nabanggit na kalamidad.

Ayon naman kay Fishery Law Enforcement Officer Danilo Gabito, huhulihin pa rin nila ang sinumang lalabag sa ipinatutupad na shellfish ban dahil isinasaalang-alang pa rin nila ang kalusugan at kapakanan ng mga mga maaaring malason o kaya mamatay sanhi ng Red Tide toxin.

Sa kasalukuyan, wala na ring naitatalang naging biktima ng Paralytic Shellfish Poisoning at wala na ring nangangahas na magpuslit ng mga ipinagbabawal na lamang-dagat. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»GMA orders gov't agencies: Help wipe out hunger
»Search for outstanding country's volunteers on
»Mindanao cold-chain investments start operations in 2007
»Davao City promotes breastfeeding
»PAL sees better business prospects for Davao
»Komentaryo: Anti-Hunger program, pinagtutulungan
»TransCo posts 8.6% increase in power delivery service in 1st quarter
»Sarangani undertakes coastal cleanup on June 1
»Feature: PGMA lures more foreign investments
»Capiz sees no rise in prices of school supplies
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines