Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 26 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/06/01

Tagalog News: Palatandaan ng mga sakit sa bato

by J. Demerey

Sta. Cruz, Laguna (1 June) -- Ang sakit sa bato ay isang panganib sa kalusugan at buhay ng tao kung hindi matutuklasan ng maaga at mabibigyan ng kaukulang lunas. Sa ngayon, ang sakit sa bato ay pansampu sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. Ang nagungunang dahilan ng paglubha ng karamdaman ay ang hindi maagap na pagkatuklas nito.

Maaaring walang makitang sintomas o palatandaan sa isang taong may sakit sa bato lalo na sa simula nito. Ito ay maaaring malaman lamang kapag nagpaeksamin ng ihi o nagpasuri sa doctor. Kapag hindi nalaman ang sakit na ito ay maaaring lumala at mauwi sa estado na di na maibabalik sa normal na kundisyon ang mga bato, katulad ng End-Stage Renal Disease. (ESRD).

Ano ang Bato o Kidney? Ang bato ang nagsasaayos ng tubig sa ating katawan, inilalabas ng bato ang sobrang tubig sa katawan at iniiwan lamang ang mga sangkap na kinakailangan nito. Ito ay gumagawa ng electrolytes (Ions) na kailangan upang panatilihin malusog ang katawan. Sinasala ng bato ang dugo, ito ay upang ihiwalay at itapon ang mga dumi sa katawan na nakakalason. Produkto ito ng metabolismo ng katawan na inilalabas sa pamamagitan ng pagihi.

Sakit sa Bato Palatandaan/Sintomas
Urinary Tract Infection: Impeksyon o pamamaga ng daluyan ng ihi. Ito ay kondisyon ng pagdami ng mga organismo o mikrobyo sa bato, sa ureter at sa pantog
  • Upper Urinary Tract Infection - Pyelonephritis o impeksyon sa bato
  • nilalagnat, giniginaw, nagsusuka, pagsakit ng tiyan/tagiliran, pag-iinit ng katawan kapag umiihi.
  • Lower Urinary Tract Infection - Cystitis o impeksyon sa pantog
  • masakit sa ilalim ng puson bago umihi
  • Glomerulonephritis - sakit sa bato na namamaga ang mga maliliit na ugat sa Nephrons o "blood filters." Kalimitang nagkakasakit nito ay mga bata. Maaaring pagsimulan nito ay ang Tonsillitis, pharyngitis o impeksyon sa balat.
  • pamamanas, altapresyon, pamumula ng ihi, kulay tsaa o "coke" na ihi, pagdalang ng ihi.
  • Nephrosis o Nephrotic Syndrome - Ito ay kondisyon na nagkakaroon ng sobrang protina ang ihi at sobrang pamamanas ng katawan.
  • pamamanas ng talukap ng mga mata, mukha, mga binti at paa, pisngi, tiyan at ihi na mabula.
  • Renal Calculi -- ito ay kundisyon na nagkakaroon ng bato (stone) sa bato (kidney).
  • masakit ang pagihi, may dugo ang ihi, paulit-ulit na sakit sa may tagiliran.
  • Renal Failure - ito ay pagkalason ng dugo sanhi ng malubhang pagkasira ng mga bato. Ito ay kondisyon na wala ng ganap na kakayahan ang dalawang bato na gawin ang kanilang mga tungkulin. Karaniwan ito ay nakikita sa End-Stage Renal Disease (ESRD) kung kailan ang maysakit ay nangangailangan na ng dialysis o kidney transplant operation.
  • pagkahilo, pagsakit ng ulo, pagsusuka, hindi makatulog, pagkawala ng malay tao, pamumutla, pagkonti ng ihi, pamamanas, hirap huminga, pag-itim at pangangati ng balat.
  • (PIA Laguna) [top]

    |«  prev  next  »|
    DAILY NEWS LIST:
    »June 11 declared non-working holiday
    »Biofuels Act requires use of blended fuel in vehicles
    »DOE eyes one-stop-shop programs to promote wind power dev't
    »Asian investors eyeing to invest in transport business in Davao
    »LTFRB, Davao to regulate school vans
    »The English Debate: A press luncheon with David Graddol
    »SOFA signing highlights PGMA's Australia visit
    »Taiwan donors continue to fulfill commitment to 31 Guinsaugon orphans
    »Gov't sustains reforestation program; cites trees' potentials
    »Feature: Run for P.E.A.C.E.
    |«  prev  next  »|

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines