Tagalog News: Poll watchers at poll watchdogs wala sa kasagsagan ng canvassing, ani Bedol
Koronadal, South Cotabato (12 June) -- Sa isinagawang canvassing procedure ng Comelec, inamin ni Maguindanao PBOC chairman Lintang Bedol na ang mga poll watchers ng mga political parties at ang mga volunteers ng poll watchdogs ay wala sa kasagsagan ng canvassing.
Pinakita ni Bedol dito ang provincial certificate of canvass ng Maguindanao ngunit nabigo naman siyang ipakita ang municipal COC at ang resulta ng mga boto sa bawat presinto.
Matapos isawalang bahala ni Bedol ang mga sumunod na canvassing sa kabila ng mga notices ng Comelec, binigyan lamang siya hanggang ngayong araw na magpakita sa main office ng Comelec sa Intramuros Manila kung hindi man ay mapipilitan silang arestuhin ito. (Lgt/PIA 12) [top]