Komnetaryo: Huwag magtrabaho sa ipinagbabawal na bansa - POEA
by Rose B. Palacio
Davao City (13 June) -- Mahigpit ang warning na karaniwan nang ipinalalabas ng pamahalaan. Subali't marami pa rin ang nagtatrabaho sa labas ng bansa at dumadaan sa "back door", ibig sabihin ilegal na pamamaraan.
Tinukoy ni POEA Mindanao head Francis Domingo ang tungkol sa pagbabawal ng gobyerno para sa mga Pinoy na magtrabaho sa ibang bansa tulad ng Nigeria, Lebanon, at Iraq.
Subali't nakakalusot pa rin ang maraming Pinoy at nagtrabaho sa ipinagbabawal na bansa kung kaya't ganoon na lamang ang problemang hinaharap ng administrasyon.
Maraming Pinoy workers at Pilipino domestic helpers na nagtrabaho sa ibang bansa ang inabuso, minaltrato at kailangang nang makabalik sa Pilipinas.
Payo ng POEA, maraming recruitment agencies na mga legal at naghahanap ng mga trabahante. Kung legal ang pagtatrabaho ng OFWs sa ibang bansa, magiging menos ang problema ng administrasyon at mailalagay sa tamang direksyon ang mga trabahanteng nagtatrabaho sa ibang bansa, ani Domingo.
Mga estudyante, hinihimok na kumuha ng vocational courses
Hinihimok ng Labor department ang mga estudyanteng walang kakayahan na mag-aral sa kolehiyo na kumuha ng vocational courses upang kaagad na makapagtrabaho at makatulong sa kanilang sariling pamilya.
Ayon kay DOLE assistant regional director Ofel Domingo, maraming mga estudyante ang tumatangging mag-aral ng vocational courses sa pag-aakalang mababa ang tingin ng iba sa mga kursong ito. Subali't ito ang demand sa ibang bansa, tulad ng hotel management, welders, carpentry at marami pang mga skilled courses na maaaring pag-aralan sa maikling panahon lamang.
Ang kailangan lamang ay mahimok ng mga magulang ang kanilang mga anak na kumuha ng vocational courses. Sa pamamagitan ng TESDA ay madali silang makakapasok ng vocational courses na angkop sa kanilang katalinuhan, ani Domingo. (PIA) [top]