Tagalog News: Simpleng paggunita ng Independence Day sa Cotabato
Cotabato City (13 June) -- Naki-isa ang mga opisyales, kawani at mamamayan ng lungsod ng Cotabato sa paggunita ng 109th Philippine Independence Day kahapon sa pamamagitan ng parada, pag-alay ng bulalak sa bantayog ni Jose Rizal at maikling programa sa city plaza.
Kasabay ng Independence Day celebration and opisyal na pagsisimula ng pagdiriwang ng 48th Araw ng Kutabato sa pagsasagawa ng pass porting noong June 9 at 10.
Tampok din ang iba’t-ibang activities tulad Trade Fair at Cultural Presentation, jobs fair, Banca Race, Search for Natatanging Kutabatenyo at Outstanding Employee at taunang patimpalak ng Mutya ng Cotabato.
Sa mismong araw ng Cotabato sa June 20, magkakaroon ng civil-military parade at concert.
Kaugnay sa tema ng pagdiriwang na “Cotabato Tuloy Asenso” pinapurihan ni Cotabato City Tourism Council Executive chair Bai Sandra Sema ang mga mamamayan ng lungsod sa patuloy na suporta sa pamahalaang lokal sa adhikaing lalong paunlarin ang lungsod sabay paanyaya na makilahok at makisaya sa pagdiriwang ng Araw ng Cotabato. (pbc/PIA 12) [top]