Tagalog News: Pilipinas inaasahang makamit ang First World status sa susunod na 2 dekada
Manila (13 June) -- Dahil sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, umaasa ang Pamahalaan na makamit ang bansa ang First World Status sa susunod na dalawang dekada. Ito ay sa pamamagitan ng programa ng Pamahalaan na pro-growth, pro-poor at pro-modern policies para sa mamamayang Pilipino.
Kaugnay nito, maglalaan naman ng iba’t-ibang mga programa ang Deparment of Agriculture (DA) para sa pagpapalago sa sektor ng agrikultura. Hangarin ng nasabing kagawaran na mapataas sa 7% hanggang 8% ang farm production ng bansa, makapagbibigay ng maraming trabaho para sa mga Pilipino, at makapaglaan ng maraming investment sa rural infrastructure.
Plano ng Department of Agriculture (DA) na maglaan ng pundong P4 billion para sa pagsasa-ayos ng irrigation canals na siyang magbibigay ng tubig sa mahigit 100,000 ektaryang sakahan, P2 Billion para sa paglalagay ng 3,000 biomass devices sa rice and corn production areas, P20 million para sa pagpapatayo ng corn drying at processing centers, P1 billion para sa pagpapatayo ng tram lines, P1 billion para sa hatcheries at aquaculture grow-out zones upang mapataas ng 10% ang sektor ng pangingisda.
Maglalaan din ang DA ng P1 billion upang mapataas ang produksiyon ng dairy products, white corn, mga gulay at itlog ng manok, at P1billion naman para sa konstraksyon ng farm to market roads na siyang magpapataas ng bio fuel production. (Abb/PIA 12) [top]