Komentaryo: Gobyerno, kukuha ng 16,000 bagong guro
by Rose B. Palacio
Davao City (14 June) -- Balak ng administrasyon na kumuha ng 16,000 dagdag na mga guro upang matumbasan ang kakulangan ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Ayon kay Educaion Secretary Jesli Lapus, hindi lamang kakulangan ng mga guro ang nais ng gobyerno na malutas kundi pati na rin ang kakulangan ng mga classrooms at mga school buildings.
Nagbigay ng order si Pangulong Arroyo sa DepED at DPWH upang matugunan ang problema sa kakulangan ng school buildings at iba pang pasilidades na kailangan ng mga mag-aaral.
Hinimok din ni Secretary Lapus ang mga NGOs at businessmen na tumulong sa pamahalaan upang malutas ang problemang ito.
Napag-alaman na ang ibang business group tulad ng Davao Light and Power Company at ang Davao Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry ay nag-donate na rin ng mga school buildings at education facilities sa siyudad ng Davao para sa mga estudyante.
Kumpiyansa ng mga foreign investors, lumalaki
Lumalaki ang kumpiyansa ng foreign at domestic investors sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagganda ang ekonomiya ng bansa. Ayon kay Finance Secretary Gary Teves, nang maisagawa ang state visit ni Pangulong Arroyo, kasama ang economic managers at cabinet secretaries, umabot sa $1.22-bilyon ang dinala ni Pangulong Arroyo para sa karagdagang investments dito sa ating bansa.
Kamakailan lamang ay nanggaling si Pangulong Arroyo sa Japan, kung saan siya ay kinumbidang maging keynote speakers sa Nikkei Business forum sa Tokyo, Japan, at ang grupo ni Presid\ente ay tumuloy sa Australia at New Zealand kung saan nagtagumpay ang Pangulo na makakuha ng mga donations mula sa naturang mga bansa.
Ang gobyerno ng Australia, halimbawa ay magbibigay ng 28 patrol boats na gagamitin ng coastguard para sa karagatan at ang ibang business community ay hinimok ni Pangulong Arroyo na magpundar ng kanilang capital sa Pilipinas. (PIA) [top]