Tagalog News: Pagdami ng investment sa Pilipinas dahilan ng malagong stock market
Manila (19 June) -- Ang patuloy na pagdami ng mga investment sa ating bansa ay ang dahilan ng paglago ng ating stock market kung saan tumaas ng 86.2 percent ang net foreign buying ng Pilipinas na nagkakahalaga ng P46.56 billion sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon mula sa P25 billion noong nakaraang taon.
Ayon naman sa data ng Philippine Stock Exchange (PSE) ang kabuuan ng foreign buying mula Enero hanggang Mayo ngayong taon ay may halagang P280.31 billion na halos doble ng P141.2 billion sa parehong buwan nito noong nakaraang taon.
Ang kabuuang foreign selling naman ng ating bansa ay tumaas din sa P233.75 billion mula sa P116.14 billion ng nakaraang taon.
Ang paglagong ito ng foreign investment ay inaasahang magpapatuloy hanggat ang ating bansa ay may matatag na ekonomiya at may magandang pamumuno. (Lgt/PIA 12) [top]