Tagalog News: Iisang grupo ang responsable sa serye ng pambobomba
Koronadal, South Cotabato (19 June) -- Malaki ang posibilidad na iisang grupo ang may kagagawan ng sunod-sunod na pambobomba nitong nakaraang mga araw.
Matatandaang noong May 18 ay binomba ang bus terminal ng Weena transport sa Cotabato City, sinundan ng pagsabog ng Weena bus sa Matalam, Cotabato, at pagpapasabog noong Biyernes ng isa pang Weena bus sa lungsod ng Cotabato at ibang bus sa Digos, Davao Del Sur.
Ayon sa Explosive & Ordinance Disposal (EOD) division ng Philippine Army na base sa kanilang nakalap na mga ebidensiya, halos pareho ang mga materyales ng mga sumabog na bomba tulad ng cellophane bilang triggering device at TNT.
Ibinunyag rin ng EOD na halatang well-trained at sanay sa paggawa ng improvise explosive device ang mga may kagagawan ng pagtatanim ng bomba sabay hikayat sa bus operator, driver at conductor at maging mga bumiyahe na maging vigilant at alerto kasabay ng pagsasagawa ng regular inspection sa mga pasahero at bagahe.
Puspusan naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga suspect at matigil na ang mga ganitong krimen, ayon sa EOD.
Nauna nang ni-rule out ng militar ang terrorism bilang motibo ng mga pambobomba sa Weena bus at sinasabing ito ay extortion o pangingkil na sinang-ayunan naman ng management. (pbc/PIA 12) [top]