Tagalog News: Pinuno ng KRG sa pagdukot kay Fr. Bossi pinangalanan
Koronadal, South Cotabato (19 June) -- Tinukoy ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) si Mads Zacaria bilang pinuno ng kidnap for ransom group (KRG) responsable sa pagdukot kamakailan sa Italyanong paring si Fr. Giancarlo Bossi sa bayan ng Payao, Zamboanga Sibugay.
Ayon kay MILF Spokesperson Eid Kabalu, patuloy ang kanilang ginagawang pagtugis sa grupo ni Zacaria na pinaniniwalaan ng mga awtoridad na nasa labas na ng Zamboanga Sibugay.
Sinabi ni Kabalu na buhay si Fr. Bossi ngunit batid ang kalagayan nito sabay tangi sa pagbunyag ng kinaroroonan ng mga kidnapper at biktima upang maiwasan ang pagbulabog sa ginagawang pagtugis at pag-uusap para sa agarang paglaya ni Fr. Bossi.
Nagpahayag ng pangamba si Eid Kabalu sa negatibong epekto ng pagdagsa ng maraming sundalo sa nasabing lugar sa kanilang ginagawang pagsisikap upang makalaya ang biktima. (pbc/PIA 12) [top]