Tagalog News: Peace education modules itinalaga para sa basic education
Manila (20 June) -- Tinanggap ni DepEd Secretary Jesli Lapus ang peace education modules para sa elementarya mula sa United States Agency for International Development (USAID) at Knowledge Channel, bilang bahagi ng kanilang ipinangakong tulong para sa pagpapaunlad ng Mindanao.
Ang peace education module o tinatawag na “Salam” ay isang 10-part series batay sa mga Peace Education Exemplars na naglalayong mabigyan ng kaalaman at mahasa ang mga saloobin ng mga Grade 5 at Grade 6 pupils sa pagtataguyod ng kapayapaan sa bansa.
Ang “Salam” ay tugon sa Executive Order 570 na nag-utos ng pagpapabilang ng peace education sa basic education at teaching education. Ang nasabing kautusan ay nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong September 2006.
Ang educational video modules ay mapapanood sa Knowledge Channel at sa ABC-CBN. (ajph/PIA 12) [top]