Tagalog News: Outgoing Senator Drilon pinasalamatan si PGMA
Manila (20 June) -- Pinasalamatan ni outgoing Senator Franklin Drilon si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa papuri dahil sa kontribusyon nito sa pagpapatayo ng bagong iloilo Airport kundi pati narin sa magandang pamumuno nito bilang Pangulo ng Senado sa administrasyon.
Binigyang diin ni Drilon ang pagpasa sa mga batas na E-VAT, anti-money laundering, sin taxes at iba pang reporma para sa ekonomiya pati na ang 2007 budget.
Nilinaw naman ni Drilon na pinasalamatan niya ang Pangulo dahil sa mga papuri nito sa kanya at ang minsang pagkakaiba nila ng pananaw ng Pangulo sa ibang isyu ay patungkol lamang sa mga isyu ng bansa at hindi personal na hidwaan.
Ang dinaluhang panunumpa ni re-elected Governor Neil Tupas sa ginanap na pagbubukas ng bagong Iloilo airport ay isa sa mga huling official act ni Drilon bago matapos ang termino nito sa katapusan ng Hunyo. (Lgtomas/PIA 12) [top]