Tagalog News: Malakanyang susuportahan ang Anti-Money Laundering Council - Bunye
Manila (20 June) -- Inihayag ni Press Secretary Ignacio Bunye na susuportahan ng Malakanyang ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pagpapatupad ng Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Ang AMLC ay ahensiyang may katungkulan sa pagtuklas ng mga ilegal na pondo at transaksiyon sa bansa.
Ayon kay Bunye, bilang Chief Executive, obligasyon din ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na seguruhing ang lahat ng batas ay naipatutupad at ginagawa ng lahat ng mga government agencies ang kanilang mga tungkulin.
Dagdag ni Bunye, kinikilala at iginagalang din ng Malakanyang ang kalayaan ng AMLC at itinataguyod ang lahat ng pagsisikap nitong gampanan ang mga mandates sa ilalim ng AMLA bilang financial intelligence unit ng bansa. (ajph/PIA 12) [top]