Tagalog News: DA gumagawa ng paraan upang tugunan ang onion smuggling sa bansa
Manila (20 June) -- Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Arthur Yap sa mga plant quarantine officials na gumawa ng mga pamamaraan upang maprotektahan ang local onion industry mula sa illegal na pamumuslit.
Iniutos din ni Yap ang isandaang (100) porsiyentong pagsisiyasat sa lahat ng mga plant imports, masusing pagsusuri sa stock inventories, at ang pagmomonitor ng mga presyo sa stock market.
Bilang resulta ng pagsisikap ng Department of Agriculture sa pakikiisa ng Bureau of Customs at ng mga kapisanan ng mga magsasaka, nakumpiska kamakailan ang mahigit 9,500 na sako ng yellow at red onions mula sa bansang China. Ito’y makaraang nakatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen kung saan napag-alamang walang import application ang mga sibuyas mula sa nasabing bansa. (ajph/PIA 12) [top]