Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 26 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/06/22

Tagalog News: Red tide update sa Sorsogon

Lalawigan ng SORSOGON (June 22) -- Nakikipag-ugnayan ngayon ang munisipyo ng Casiguran dito sa lalawigan ng Sorsogon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang muling mabiyayaan ng anumang uring tulong ang mga seashell farmers partikular ang mga tahong farmers sa kanilang bayan.

Ayon kay Casiguran Mayor Edwin Hamor, kinakailangan nang matustusan ang pangangailangan ng mga Casiguranon na apektado ng red tide lalo na’t ngayong taon ay muli na namang nakapagtala ng mga biktima ng pagkalason sanhi ng red tide sa kanilang lugar.

Matatandaang patuloy ang pakiusap ng mga mamamayang apektado ng red tide sa Casiguran na tulungan silang makahanap ng alternatibong mapagkukunan nila ng kabuhayan lalo na’t napakatagal nang panahon ang kanilang ipinagtiis dala ng hindi pa naaalis na shellfish ban.

Sinabi ni Mayor Hamor na dahil sa sunud-sunod na mga kalamidad na dumaan sa kanilang lugar, naubos na ang kanilang calamity fund at wala na rin silang alternabong mapagkukunan ng pondo upang ipanustos sa mga apektadong mamamayan.

Idinagdag din niyang kung mabibigyan sila ng DSWD ng kaukulang tulong lalo na ng alternatibong kabuhayan, magiging malaking kapakinabangan ito sa mga Casiguranon na apektado ng red tide sapagkat maaari nitong masustinihan ang kanilang pangkabuhayan na hindi umaasa sa pagkuha ng mga lamang-dagat na nakapaloob sa shellfish ban.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa nagpapalabas ng opisyal na pahayag ang DSWD ukol sa suliraning idinudulog ng mga mamamayan ng Casiguran.

Samantala, binigyang-diin naman ni Vice Governor Antonio “Kruni” Escudero na kinakailangang maging mabisa at epektibo ang monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at pag-aralan nila ang posibilidad ng pagkakaroon ng sariling monitoring system sa probinsya upang mas mapadali ang pagpapalabas ng mga updates sa kalagayan ng red tide sa Sorsogon Bay.

Ayon sa bise-gobernador, kayang gawin ng probinsya na magkaroon ito ng sariling monitoring system kung makukumpleto na ang mga kagamitan sa laboratoryo ng Provincial Agriculture Office.

Matatandaang kinakailangn pang maghintay ng mga ilang linggo bago maipalabas ang resulta ng laboratory analysis ng isang sampling activity sapagkat kailangan pa itong ipadala sa BFAR Central Office sapagkat ito lamang ang may kakayahang makapagpalabas ng lehitimong resulta. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Gov't readies funds for mango puree processing plant for Nueva Vizcaya
»NVizcaya festival raises P6M sales from exhibitors
»Latest UN report backs ABK call vs child labor
»Feature: From the highest mountain to Davao Gulf
»Gov't asks CPP-NPA to end armed struggle
»Gov't prioritizes PGMA's pro-growth programs - DBM
»Filinvest group of companies holds jobs fair
»5th Ramon Magsaysay student essay competition launched
»Davao seeks equitable distribution of workers in BPO’ companies
»Project LIFE continues
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines