Tagalog News: PGMA hinikayat ang mga foreign investor na mamuhunan sa bansa
Koronadal, South Cotabato (25 June) -- Dahil sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas hinihikayat ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang iba pang mga foreign investor na mamuhunan sa Pilipinas.
Binigyang diin ni Pangulong Arroyo na ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay dahil na rin sa bilyong dolyar na puhunan ng mga foreign investor sa bansa, malakas na piso at stock market at ang inaasahang anim (6) na milyong trabaho para sa mamamayang Pilipino sa loob ng anim (6) na taon.
Kabilang sa nagpaplanong mamuhunan sa bansa ang Texas Instruments na nagpaplanong mag-invest ng mahigit $1 billion para sa pagpapatayo ng chip plant sa bansa, ang South Korea’s Hanjin na nag-invest ng $1.65 billion sa Subic Bay Freefort at ang Marubeni at Tokyo Electric na nag-invest ng $3.4 billion para sa electric power plants sa Pilipinas.
Dagdag pa ng Pangulo, dahil sa bilyong pisong puhunan sa edukasyon, health care at pagsasanay kasama na ang bilyong pisong puhunan para sa pagsasa-ayos ng mga tulay, daan at mga paliparan lalo pang napa-unlad ang compititiveness ng Pilipinas. (Abb/PIA 12) [top]