Tagalog News: BFAR fisherfold 'directors' end month's stint
by EBZ Nebrija
Manila (27 June) -- Sinabi ni Agriculture Secretary Arthur Yap na ang katatapos na programa kung saan ang mga fisherfolk leaders ay hinayaang gumanap bilang "heads" ng national at regional offices ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAF) sa loob ng isang buwan, ay nagpataas ng kanilang kaalaman sa patuloy na pagsisikap ng pamahalan sa pagbubukas ng bagong kalakalan dito at sa labas ng bansa para sa mga small farm stakeholders.
Ang naturang "awareness" program ayon pa kay Yap, ay pagpapahalaga sa mga fisheries sector at pagbibigay ng karagdagang kaalaman upang maunawaan ng mga stakeholders ang mga programa at ang mga polisiya ng Pamahalaan na may magandang maidudulot sa sektor industriya.
Ito ay napapaloob sa ilalim ng DA Special Order No. 88 na nilagdaan ni Yap ng nakalipas na taon kung saan pinahihintulutan nito ang mga selected group ng fisherfolk leaders na pinili ng kanilang mga kasamahan upang mangasiwa sa national at lokal na tanggapan ng BFAR simula May 1-31, habang ang mga regular BFAR Directors ay magsasagawa ng community immersion sa mga coastal villages sa lugar na kanilang nasasakupan.
Sa pamamagitan ng two-way immersion program, umaasa si Yap na ang mga fish growers ay magkaroon ng magandang pananaw sa mga gawain na ipinapatupad ng pamahalaan upang itaguyod at pahalagahan ang kanilang kapakanan. (PIA 12) [top]