Tagalog News: HHIC handa na para sa expansion ng Subic Bay Freeport Zone
Manila (29 June) -- Nakahanda na ang Hanjin Heavy Industries and Construction (HHIC) para sa expansion ng Subic Bay Freeport Zone kung saan naglaan ito ng karagdagang US$684 million na pondo mula sa orihinal na US$ 1 billion na panukalang investment ng nasabing proyekto.
Ito ay ayon na rin sa pahayag ni HHIC Director at general manager Shim Joeng kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos niyang binisita ang Hanjin shipyard at ang pagpapasinaya ng Subic-Cawag-Balaybay Road Project sa Zambales.
Ayon pa kay Pangulong Arroyo ang Subic shipyard ay malaking tulong sa kaunlaran ng bansa at ito’y inaasahang mapabilang sa top 4 largest shipbuilding facilities sa buong mundo.
Umabot naman sa 3,000 job opportunity ang nabuksan ng nasabing shipyard kung saan inaasahan pa itong magbubukas ng 13,000 na trabaho para sa mamamayang Pilipino sa susunod na taon sdahil na rin sa karagdagang puhunan na inilaan nito sa Subic Bay Freeport Zone. (Abb/PIA 12) [top]