Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/08/01

Tagalog News: Barangay Tanod muling pinalalakas sa South Cotabato

by AC Agad

Koronadal City (1 August) -- Pinulong ng South Cotabato provincial officials at PNP provincial command ang mga opisyal ng Association of Barangay Chairmen (ABC) ng bawat bayan upang paghandaan ang posibleng "spill over war" sakaling magkaroon ng sagupaan ang tropa ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan.

Napagkasunduan sa nasabing pagpupulong ang pagpapalakas ng mga Barangay Tanod na tutulong sa pagbabantay sa bawat komunidad sakaling pumasok ang ibang tropa ng MILF lalo na sa mga bayan ng Tampakan, Polomolok at T'boli na pinaniniwalaang pinagsisilungan ng iba pang miyembro ng tropang MILF.

Ayon kay Vice Governor Eliordo Ogena, pinaghahandaan lamang ng lalawigan ang posibleng diversionary tactic sakaling magkagulo sa Basilan dahil naka-concentrate ang puwersa ng pamahalaan doon, kung kaya't nananawagan ito sa lahat ng mga residente na magtulungan upang mapanatili ang peace and order sa lalawigan at maisulong ang mga priority development projects nito.

Umapila rin si Ogena sa lahat ng mamamayan ng South Cotabato na maging vigilant at mamuhay ng normal at huwag masyadong maalarma dahil napakalayo naman ng Basilan, sabay bigay-diin na ang ganitong mga hakbangin ay mga "pre-emptive moves" lamang. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CFO holds awareness campaign on international migration and inter-marriages
»NPA atrocity leads to execution
»BIR launches Revenue Watch Dashboard
»Census on Population starts; be counted, says NSO
»ARMM needs Halal feedmill investors
»SK registration still on
»Home for the Aged marks 30th year
»Red Cross, SM to launch "Gamot Para Sa Kapwa" project
»Gawad Kalasag Awards rites for regional winners highlight disaster consciousness month
»White Cane Safety Day celebrated today
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines