Tagalog News: ASEAN hangaring makamit ang kapayapaan para sa rehiyon
Manila (1 August) -- Binigyang diin ni Philippine Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo sa pagsisimula ng ASEAN Ministerial Meeting (AMM) kahapon ang hangarin ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na makamit ng rehiyon ang kapayapaan at kasaganaan.
Ayon kay Romulo layonin din ng regional community na maitatag ang tatlong reinforcing pillars ng ASEAN: ang ASEAN Security Community, ASEAN Economic Community at ang ASEAN Socio-Cultural Community.
Aniya ang ASEAN ministerial Meeting ay isang paraan upang matalakay muli ang mga napag-usap ng nakaraang 12th ASEAN Summit sa Cebu, maging Southeast Asian nuclear-weapons free ang rehiyon upang maitaguyod ang seguridad at non-proliferation.
Dagdag pa ni Romulo, kabilang din sa mga tinalakay sa pagpupulong ang tungkol sa pagpapatupad ng panukalang ASEAN Declaration on Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers. (AbbPIA 12) [top]