Tagalog News: Pagtataniman ng yellow corn may karagdagang 46,000 ektrayang, ani DA
Manila (3 August) -- Dahil sa pagtaas ng demand ng yellow corn sa pamilihan, naglaan ng karagdagang 46,000 ektaryang lupa na maaaring pagtatamnan ng yellow corn ang Department of Agriculture sa pamamagitan ng GMA Corn Program bago matapos ang taong ito.
Kabilang sa mga lugar na nakatakdang pagtaniman ng yellow corn ang Capiz, Iloilo, North Cotabato, Maguindanao, Zamboanga del Sur, Aurora, Negros Occidental, Palawan at Ifugao.
Ayon kay Assistant Secretary at executive director ng GMA Corn Program Dennis B. Araullo, ang karagdagang 46,000 ektaryang lupa na pagtatamnan ng yellow corn ay inaasahang makapag-produce ng 161,000 metric tons ng yellow corn na malaki ang maitutulong upang maabot nito ang target na 4.1 million Metric tons ngayong taon.
Ang tumataas na demand ng yellow corn ay dahil sa tumataas na bilang ng poultry at livestock sectors kung saan ang yellow corn ang karaniwang ginagamit bilang pangunahing feed ingredient. (Abb/PIA 12) [top]