Tagalog News: BJMP-12 nagdiwang ng 16th anniversary sa GenSan
Koronadal, South Cotabato (9 August) -- Ipinagdiwang kamakailan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng rehiyon 12 ang kanyang ika 16th na anibersaryo na may temang "A Better Jail System: Our Way of Caring for Humanity and Environment" sa Gensan City Jail, Sitio Lanton, Brgy. Apopong, Gen. Santos City.
Ang naturang event ay pinangunahan nina BJMP Chief Director Armando Llamasares at RBJMP12 Regional Director S/Supt. Emmanuel Sicio kung saan sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng motorcade at nagtapos sa isang "tree planting" activity sa Marcos Highway sa lungsod ng Heneral Santos.
Upang lalo pang mapatibay ang ugnayan ng mga BJMP offices sa rehiyon 12, nagkaroon din ng mga sports competition at management conference
Umaasa rin ang mga BJMP high-ranking official na lalo pang tatatag ang functions at mga major operations ng BJMP lalo na sa pangangasiwa ng mga jail sa rehiyon 12. (ajph/PIA 12) [top]