Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/08/10

Tagalog News: Serbisyo publiko ng Sorsogon higit pang paghuhusayin

Sorsogon Province (10 August) -- Matapos na ipakilala ni dating Sorsogon City Mayor Sally A. Lee na ngayon ay siya nang gobernador ng probinsya ng Sorsogon ang makabagong pamamaraan ng pamamahala sa syudad ng Sorsogon, muli niya itong ipinakikilala sa mga opisyal at empleyado naman ngayon ng Provincial Government upang higit na mapatatag at mapahusay ang pagbibigay serbisyo publiko sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa isinagawang staff development at regular meeting ng mga opisyal at mga pinuno ng iba't-ibang departamento sa probinsya nitong Lunes, binigyang-diin ni Governor Sally na mas magiging magaan at tunay ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko kung malinaw sa mga empleyado ng bawat departamento ang kani-kanilang mga mandatong sinusunod.

Sinabi naman ni Ariel Ortilla, Development Academy of the Philippines (DAP) Consultant at naging panauhing-tagapagsalita sa nasabing pagpupulong na kung magiging malinaw ang tungkulin ng bawat ahensya o departamento, mas madaling makagagawa ng provincial situationer ang Sorsogon na siyang magiging basehan ng Executive-Legislative Agenda nito at magagamit din bilang primary tool sa darating na Strategic Planning and Assessment Workshop ng probinsya.

"Upang masigurong maibibigay ang kaukulang serbisyo sa publiko, kinakailangang alam natin ang sitwasyon ng ating lugar partikular ang sitwasyon sa kahirapan na may kaugnayan sa mga napapanahong isyu dito tulad ng kapayapaan, gender at governance. Sa ganitong paraan, malalaman natin kung ano ba talaga ang kailangan ng mga mamamayan at 'yun ang ating bibigyang kasagutan," ayon pa kay Ortilla.

Aniya, maliban dito ay maiidentify rin lung alin sa mga programang ipatutupad ng bawat departamento ang ibibilang sa short-term, midterm at long-term goals nila. Makikita rin kung gaano kasustenable ang programang ipinatutupad at ipatutupad pa. Matuturuan din ang publiko na maging empowered at self-reliant na siyang pangunahing indikasyon ng tagumpay ng anumang uri ng pamamahala o governance.

Samantala, naging positibo naman ang tugon ng mga naging kalahok sa pagpupulong at ayon sa mga opisyal partikular ng National Government Agencies (NGAs), mas malinaw ngayon ang tinatahak na direksyon ng tulungan ng bawat departamento ng NGAs at ng LGU. Pinuri din nila ang pag-iiskedyul ng regular meeting ng nga department heads ng probinsya sapagkat, anila, nagkakaroon sila ng pagkakataon na mapag-usapan kung anong mga serbisyo at programa ang maaaring ma-access ng bawat isa. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Vounteers in West Leyte assist in rehabilitation of probationees
»Feature: 'Garbo sa Sugbo' awards and more
»NPAs surrender 88 firearms as military administers oath of 985 Bantay-Bayan members in Leyte
»Miriam's husband appointed new presidential assistant for Western Visayas
»Pagasa expects normal rainfall condition by September
»Pag-ibig Fund coordinators' assembly set
»Capiz officials take lead in census
»Roxas moms take shot at breastfeeding record
»Bulacan to be placed under state of calamity
»Commentary: PGMA's swift action to drought-hit regions
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines