Tagalog News: DA nagkaloob ng tulong sa mga magsasakang apektado ng tag-tuyot
Manila (14 August) -- Sa ginawang inspection trip ni Agriculture Secretary Arthur Yap sa mga drought hard-hit areas sa Pangasinan kamakailan, nagkaloob ang Department of Agriculture (DA) ng sampung units ng tube wells, iba't ibang uri ng vegetable seeds, bakuna para sa mga baka at kalabaw, at ang pagkakaloob ng flatbed dryer sa farmer-beneficiaries ng nasabing probinsiya.
Ang flatbed dryers na ipinagkaloob hindi lamang sa Pangasinan ngunit sa buong bansa,ay bahagi ng postharvest program ng DA na naglalayong bawasan ang post-production losses at mga wastages na nagpapababa ng produksiyon ng mga pananim.
Ayon kay Yap ang initial assistance na ipinagkaloob at iniabot ng DA ay malaking tulong upang maibsan ang matinding epekto sa produksiyon ng mga pananim at livestock sa mga lugar na apektado ng tag-tuyot. (ajph/PIA 12) [top]