Tagalog News: Produksiyon ng agrikultura tumaas
Manila (16 August) -- Tumaas ang produksiyon ng agrikultura ng bansa sa unang dalawang semester ng kasalukuyang taon kasali na dito ang pagtaas ng fisheries sub-sector.
Ito ay inihayag ni DA Secretary Arthur Yap sa isang press briefing kung saan tumaas ang farm production ng 5.19% na may halagang P466.7 bilyon mula sa kita nitong P443.6 sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.
Ayon pa kay Yap, malaki ang naitulong ng fisheries sa pagtaas ng produksiyon ng agrikultura sapagkat malaki ang itinaas nito na umabot sa 10.8% kung saan 6.92% sa municipal fisheries samantalang 5.77% naman ang sa aquaculture.
Ang fishery ay nakapigbigay ng P9.18 bilyon na kita sa agrikultura at inaasahan pang tataas dahil sa magandang panahon para sa mga isda. (Lgtomas/PIA 12) [top]