Tagalog News: Pag-demolish sa mga undocumented high-end vehicles
Manila (17 August) -- Binigyang puri ng mga business sector ang pag-demolish sa mga undocumented high-end vehicles dahil patunay umano ito sa determinasyon ng pamahalaan na puksain ang corruption sa bansa.
Ayon kay Jess Arranza, Pangulo ng Federation of Philippine Industries mula sa taong 2002 hanggang 2006, ang pamahalaan ay nalugi ng P115 bilyon dahil lamang sa technical smuggling kung kaya't ang ginawang pagsira sa mga smuggled na sasakyan ay isang leksiyon para sa mga smugglers.
Ayon sa mga negosyante na apektado sa mga car smuggling, nararapat lamang sa mga smugglers na maparusahan at isang magandang paraan dito ay ang pagsira sa mga ninakaw nilang sasakyan na kanilang naipupuslit dahil wala pa itong mga dokumento.
Dagdag pa ng mga negosyante, mas mabuti na lamang umano na masira ang mga smuggled na sasakyan na hindi na makukuha pa ng mga kompanyang ninakawan dahil sa wala pang mga dokumento kaysa naman mahulog ulit sa mga kamay ng mga smugglers. (Lgtomas/PIA 12) [top]