Tagalog News: US advisory kinabigla ng mga local officials
Cotabato City (17 August) -- Kabilang ang lungsod ng Cotabato sa mga lugar sa Central Mindanao na nabanggit sa US advisory na nagpapayo sa mga Amerikanong nasa bansa na dapat iwasan bunsod ng banta ng terorismo batay sa intelligence report.
Bilang reaksiyon, sinabi ni Vice Mayor Guiani na nakapagtatakang nauna pang nalalaman ng Estados Unidos ang mga classified information kaugnay ng peace and security ng Pilipinas kaysa sa AFP.
Nilinaw ng opisyal na karapatan ng Estado Unidos na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga citizens na nasa bansa at hindi ipag-walang bahala, subalit ang advisory ay nagdulot ng takot at panagamba hindi lamang sa mga mamamayan, kundi maging mga turista at mga negosyante.
Sumang-ayon naman si Cotabato City Grocers Association president Oscar Tan Abing sa opinyon ni vice mayor Guiani.
Mariing sinabi ni Tan Abing na malaki ang negative effect ng nasabing US travel advisory sa ekonomiya ng lungsod partikular ang sektor ng negosyo at turismo.
Bagamat ito ay magsisilbing babala sa mga awtoridad upang maging handa at alerto upang mahadlangan ang anumang plano ng terorismo tulad ng pambobomba, kidnapping, at iba pa. Kapansin-pansin ang katahimikan at kaasyusan sa Cotabato City nitong mga nakaraang ilang linggo, ayon kay Tan Abing. (pbc/PIA 12) [top]